Naglabas ng show cause order ang Commission on Higher Education (CHED) laban sa Philippine Christian University (PCU) dahil sa paglabag nito sa “Transnational Higher Education Act” gayundin sa guidelines ng komisyon.
Ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, batay sa initial findings ng CHED Commission en banc, lumabag ang PCU sa sumusunod:
1. Pagbubukas ng transnational higher education (TNHE) programs ng walang kaukulang government permit;
2. Kabiguang makapagbigay ng kinakailangang datos patungkol sa international institutional partners, kabilang dito ang notarized Memorandum of Agreements at mga isinagawang aktibidad;
3. Ang non-compliance sa prescribed faculty to student ratio para sa Doctor of Philosophy in Business Management program;
4. Pag-post ng public announcements patungkol sa TNHE programs nang walang CHED authorization
5. Pagbubukas ng shortened graduate programs sa pamamagitan ng extension classes via distance education and online modalities nang walang kaukulang kapahintulutan