Nagpaliwanag na ang Commission on Higher Education (CHED) hinggil sa isyu ng pagdagsa ng mga Chinese students sa Tuguegarao, Cagayan.
Gayundin sa isyu ng seryosong epekto nito sa pambansang seguridad ng Pilipinas.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero E. de Vera III, batay sa mga talaan ng CHED Regional Office 2, walang Tsino na mag-aaral na nakatala sa mga lokal na kolehiyo at unibersidad sa lalawigan ng Cagayan.
Ngunit mayroong isang makabuluhang bilang ng mga Tsino na mag-aaral na nakatala sa Saint Paul University Philippines (SPUP) – Tuguegarao City.
Paliwanag ni De Vera, ang SPUP ay isang higher educational institution na binigyan ng autonomous na katayuan ng CHED mula pa noong 2002 at may otoridad na tanggapin ang mga banyagang estudyante na pinayagan ng Bureau of Immigration
Bilang isang autonomous Higher Education Institution (HEI), mayroon itong awtoridad sa ilalim ng CHED CMO 19, s. 2016 na magtatag ng mga ugnayan sa mga kinikilalang foreign Higher Education Institution at sa ilalim ng Executive Order No. 285, Series at ng Implementing Rules and Regulations and Joint Memorandum Order No. 01, s. 2017 ng Inter-Agency Committee on Foreign Students na nagtatakda sapagpasok at pananatili ng mga dayuhang mag-aaral sa Pilipinas.