Hihingin ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagsang-ayon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung dapat nang payagan ang limited face-to-face classes sa mga non-medical degree programs sa harap ng nararanasang pandemya.
Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, nakadepende sa resulta ng data implementation ng mga nasa allied medicine courses na nagpatupad ng limited in-person classes ang ilalabas nilang desisyon.
Tinitingnan aniya ng CHED kung ipatutupad din ito sa engineering, information technology at maritime students.
Mula umano sa 73 universities na mayroong limited face-to-face classes para sa mga medical students, lahat umano ay nakapagtala ng zero COVID-19 cases .
Gayunman, may naitalang Coronavirus infections sa Eastern Visayas at inaalam pa ng CHED regional office kung ano ang naging dahilan nito.