CHED RO1, NILINAW NA CLERKSHIP SA OSPITAL NG MEDICAL COURSES ANG PAPAYAGAN AT HINDI ANG FACE-TO-FACE CLASSES

Hanggang clerkship pa lamang sa mga medicine courses, ang pinapayagan at hindi ang pagsasagawa ng limited face to face classes, ito ang nilinaw ng pamunuan ng Commission on Higher Education (CHED) Region 1 sa kabilang ng pag-apela ng ilang unibersidad.

Sinabi ni Rogelio Galera ang CHED Region 1 Directorna tanging ang Mariano Marcos State University at Lyceum Northwestern University sa lungsod ng Dagupan ang binigyan ng Certicate of Authority na magsagawa ng kanilang clerkship sa mga ospital.

Ibig sabihin lamang aniya na ang mga medical students ay didiretso sa kanilang clerkship sa mga ospital at hindi para sa pagsasagawa ng face to face classes.


Kailangan pa umanong magcomply ng isang unibersidad sa iba’t ibang documentary requirements sakaling naisin ng mga ito ang face to face classes lalo na sa mga medical courses.

Bibistahin pa umano sila ng evaluation team mula sa DOH, IATF, kinatawan ng CHED, at ng Local Government Unit upang makita at masuri kung ligtas ang pasilidad laban sa COVID-19.

Facebook Comments