Manila, Philippines – Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na 34 billion pesos lamang ang kailangang pondo para sa implementasyon ng libreng matrikula sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa buong bansa.
Ito’y sa kabila ng pangamba ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kakayanin ng gobyerno na pondohan ang 100 bilyong pisong pondo para sa nasabing batas.
Ayon kay CHED Commissioner Prospero de Vera – nasa higit 16 billion pesos ang kailangan ng gobiyerno sa unang implementasyon ng naturang batas upang masiguro na libre ang matrikula at miscellaneous fee sa mga SUCs.
Kailangan lamang aniya na magtulungan ng gobyerno at mga ahensya para masiguro na maganda ang pagkakabalangkas ng Implementing Rules and Regulations ng nilagdaang batas na free college tuition ni Pangulong Rodrigo Duterte.
CHED, tiniyak na sasalain ang mga estudyanteng makikinabang sa free tuition sa mga State Colleges at Universities
Facebook Comments