CHED, tinuligsa dahil sa planong pagpapatuloy ng flexible learning policy

Tinuligsa ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) ang desisyon ng Commission on Higher Education (CHED) na ipagpatuloy ang implementasyon ng flexible learning sa mga susunod na taon.

Giit ni NUSP National President Jandeil Roperos, palalalain lamang nito ang pinagdaraanang financial, mental at emotional problem ng mga estudyante.

Habang ayon kay Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, may mga guro at mag-aaral na rin na nakararanas ng matinding stress at anxiety dahil sa online learnng.


Inilarawan din niya ang bagong polisiya ng CHED bilang “gross negligence of duty” sa sektor ng edukasyon.

Facebook Comments