‘Cheddar’ corgi ng Brooklyn Nine-Nine, pumanaw na

37
Screenshot via Brooklyn Nine-Nine

Nakidalamhati ang mga netizen sa pagpanaw ni Cheddar, ang corgi na gumanap sa ‘Brooklyn Nine-Nine’, isang Police live-action sitcom sa America.

Ang unang episode ng Brooklyn Nine-Nine ay inere noong Setyembre 17, 2013 at sa kasalukuyan ay nasa ikaanim na season.


Ayon sa kaniyang owner at trainer na si Esler, si Stewart o mas kilalang Cheddar ay pumanaw na kaninang umaga.

Ang kapatid naman ni Cheddar na si Stella ang papalit sa comedy series.

Ibinahagi ni Esler na masaya sila sa mga huling sandali nito at tuluyan na ngang ‘natulog’ sa kaniyang mga braso.

Dagdag ng kaniyang amo, si Stewart ay ‘one in a million’ at supaah stah’.

Sa Brooklyn Nine-Nine, si Cheddar ay aso ni Captain Raymond Holt at partner na si Kevin Cozner.

Facebook Comments

From Advertisers