Cheerleading coach, inamin ang pakikipag-sex sa 2 estudyante

OKLAHOMA, USA – Ipinagtapat ng isang 29-anyos na cheerleading coach ang alegasyon ng pakikipagtalik sa dalawang estudyante ng Central Public School sa Sallishaw, Oklahoma kung saan siya nagtuturo.

Humaharap sa four counts ng sexual baterry o panghahalay si Brandy Lynn Foreman matapos magsumbong ang isa sa mga binatilyo edad 16 at 18, na nagsimula ang pangyayari noong magpalitan sila ng mga hubad na retrato sa social media.

Ayon sa sinumpaang salaysay, inamin ni Foreman ang tatlong beses na pakikipag-sex sa 18-anyos na estudyante na nagsimula raw taong 2017, at ang pinakabago ay nang magtapos ito noong Hulyo.


Ipinahayag naman ng 16-anyos na lalaki na una nang may nangyari sa kanila ng coach matapos daw siya nitong isakay sa kotse sa Sequoyah County.

Dagdag ng biktima, hindi niya maalala kung ilang beses silang nagkita ni Foreman sa loob ng tatlong buwan na summer nakaraang taon.

Samantala, nagsimula ang imbestigasyon sa naturang coach nang makatanggap ng report ukol sa posibleng “inappropriate sexual contact” sa pagitan ni Foreman at ng mga estudyante ng eskwelahan.

Agad na nakipag-ugnayan ang district officials sa pulisya matapos marinig ang akusasyon.

Una nang itinanggi ni Foreman ang alegasyon at sinasabing malapit lang umano siya sa lahat ng hawak na estudyante at hanggang pagyakap lamang ang ginagawa niya sa mga ito.

Nang makapanayam sa ikalawang pagkakataon ang suspek, saka niya inamin ang krimen.

Kasalukuyan namang ipinaliban sa pagtuturo ang naturang coach matapos lumabas na hindi guilty noong nakaraang Linggo.

Babalik naman siya sa korte sa Enero 29 at kung sakaling mapatunayan ay haharap sa 10 taong pagkakakulong.

Facebook Comments