Chemical leak sa FTI, Taguig, nalinis na ng mga bumbero

78

Nalinis na ng mga bumbero ang natapon na kemikal sa loob ng dalawang palapag na gusali sa Electronic Avenue sa FTI Complex, Taguig City.

Ayon kay Fire Supt. Bernard Rosete, hepe ng Taguig Bureau of Fire Protection (BFP), aksidenteng natapon ang maliit na volume ng laman ng isang gallon ng hydrogen peroxide sa pagawaan ng prepacking ng mga isda.

Aniya, ang nasabing kemikal ay hinahaluan ng tubig at ginagamit na solusyon sa panlinis ng isda.


Nire-repack aniya sa lugar ang mga isda at ibang mga seafoods na nasa ikalawang palapag ng tanggapan.

Nilinaw naman ni Rosete na wala namang panganib sa mga trabahador ang natapong kemikal.

Nagpasaklolo aniya ang mga trabahador dahil hindi nila alam kung anong gagawin sa natapon na kemikal.



Pansamantalang isinara ang lugar ng pinangyarihan ng chemical leak.

Facebook Comments