Chess Festival sa City of Ilagan, Matagumpay na Isinagawa!

City of Ilagan – Naging matagumpay ang isinagawang kauna-unahang City of Ilagan Chess Festival 2019 na ginanap noong Mayo 4-5, 2019 sa City Sports Complex, City of Ilagan, Isabela.

Ito ang ibinahagi ni Mr. Clifford Ruiz ng Isabela National High School, Tournament Manager ng Chess Ilagan sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.

Aniya, bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Aggau na Yli ang Chess Tournament na layong mapataas ang antas ng mga kabataang Ilagueño sa larangan ng Chess.


Nakiisa rin anya ang mga National Arbiter na galing pa sa ibang lugar at mga players na nagmula pa sa Bataan, Bulacan, Quezon City, at Tuguegarao City.

Natapos ang laro na masaya dahil na rin sa mga Cash prizes at tropeo na iniuwi ng mga nagwagi.

Nagpapasalamat naman si Ginoong Ruiz sa lahat ng dumalo, tumulong at sumuporta sa naturang sports event.

Tgas: 985rmncauayan, cauayan city, luzon, isabela, chess tournament, Mr. Clifford Ruiz ng Isabela National High School, Tournament Manager ng Chess Ilagan, City of Ilagan Chess Festival 2019, City Sports Complex, City of Ilagan, Isabela.

Facebook Comments