CHESS | Gonzales, Frayna, back in contention sa Obert Chess Championships sa Espanya

Spain – Kapwa nagtala ng panalo sina Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna at GM Jayson Gonzales sa fifth round para manatiling nasa striking distance ng 20th Obert Internacional Sant Marti 2018 sa Barcelona, Spain.

Tinalo ni Frayna si Om Manish Kadam ng India habang pinatumba naman ni Gonzales si Daniel Romero Pallares ng Spain.

Dahil sa mga panalo, sosyo ngayon mula sa ika-12 puwesto sina Frayna at Gonzales kasama ang 11 iba lang player sa kanilang 3.5 points.


Hindi naman pinalad si International Master John Marvin Miciano na natalo kay Peruvian GM Jaime Alexander Cuartas sa 45 moves ng Pirc Defense.

Nangunguna pa rin sa torneo si top seed Azerbaijan GM Gadir Guseinov kasama ang tatlong iba pang player sa kanilang 4.5 points.

Facebook Comments