Bumuo ng Chess set ang Pilipinong Iskultor na si Rolando ‘Lan’ Magboo kung saan tampok ang mga karakter sa mga nobela ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
Ang tubong-Marikina na iskultor ay gumawa ng Chess pieces na naglalarawan kay Jose Rizal, at mga kilalang karakter sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sina Maria Clara, Padre Damaso, at ang Guardia Sibil.
Maliban kay Rizal, tampok din sa Chess set Sina Heneral Antonio Luna, at ang simbahan ng Paoay sa Ilocos.
Ang Collectible Chess set ay gawa sa resin at fiberglass.
Ayon kay Magboo, pinili niya ang mga nabanggit na karakter at bayani para sa Chess pieces matapos mapanood ang tv-series ng actor na si Alden Richards na ‘Ilustrado’ na nagpapakita sa buhay ni Jose Rizal.
Hinikayat ni Magboo ang mga Pilipino na suportahan ang Local Artists at Craftsmen.