Chicago Bulls – inilampaso ng Cavs sa ‎2017-2018 NBA season

NBA – Bigong makaporma ang Chicago Bulls sa laban kontra Cleveland Cavaliers sa nagpapatuloy na ‎2017-2018 NBA season.

Sa iskor na 119-112, nanguna sa panalo si Lebron James bitbit ang game-high 34 points matapos na maglaro bilang point guard ng team.

Hindi kasi nakalaro sina front runners Isaiah Thomas at Derrick Rose matapos ma-injured dahilan kanya nagkaroon ng re-shuffle sa kanilang line-up.


Samantala, sa eastern conference naman, nasungkit ng Indiana Pacers ang una nilang panalo matapos tambakan ng 27 puntos ang Minnesota Timberwolves.

Wagi naman ang Boston Celtics kontra New York Knicks sa score na 110-89.

Apat na puntos naman ang lamang ng Orlando Magic sa naipanalong laban kontra Brooklyn Nets, 125-121.

Facebook Comments