Malabon City walang pasok sa May 21

Idineklara bilang special (non-working) holiday ng MalacaƱang ang May 21 sa Lungsod ng Malabon.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-425 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga MalabueƱo na makibahagi sa mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang.


Sa anunsiyo ng Local Governmant Unit (LGU), inabisuhan naman nito ang mga kawani na maghintay ng opisyal na anunsyo mula sa City Human Resource Management and Development Department (CHRMDD) kaugnay sa dalawang nakatakdang kaganapan sa Mayo 21.

Facebook Comments