Chief Justice Bersamin, dumalo sa kanyang huling flag raising ceremony sa SC

162

Manila, Philippines – Dumadalo sa kanyang huling flag raising ceremony si Chief Justice Lucas Bersamin na nakatakda nang magretiro sa October 18, 2019.

Kasabay ito ng kanyang ika-70 kaarawan sa Biyernes na siyang mandatory retirement age para sa isang mahistrado ng Korte Suprema.


Bilang pagpupugay sa kanya, inilatag ang red carpet sa quadrangle ng Supreme Court (SC) kung saan siya sinalubong ng mga kapwa-mahistrado at empleyado ng Korte Suprema.

Sa labas ng bakuran ng SC, ginawaran ng arrival honors ng PNP honor guards ang tinaguriang healing chief justice.

Pansamantala namang isinara sa mga motorista ang kahabaan ng Padre Faura sa Maynila para sa paggagawad ng arrival honors kay CJ Bersamin.

Facebook Comments

From Advertisers