Manila, Philippines – Nanindigan ang Korte Suprema na hindi lulutuin ang ilalabas nilang desisyon kaugnay ng election protest ni dating Senator Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Kinumpirma ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na isasalang pa sa deliberasyon ang draft ruling ni Associate Justice Benjamin Caguioa matapos ang recount sa tatlong pilot provinces na tinukoy ni Marcos sa kanyang poll protest
Partikular ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Kaugnay nito ay itinanggi ni Bersamin ang mga lumutang na balitang magiging 8-6 ang botohan para ibasura ang draft ruling ni Caguioa na papabor kay Marcos.
Nakatakdang namang pagbotohan ang kahihinatnan ng poll protest ng dating senador sa susunod na en banc session sa Martes, October 15 matapos maipagpaliban ng tatlong beses.