Manila, Philippines – Kinatigan ni Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta ang hirit ng huwes na humahawak sa Maguindanao massacre case na isang buwang extension sa pagbaba ng desisyon sa kaso.
Ayon sa punong mahistrado, dahil na rin sa dami ng mga respondent at complainant sa kaso ay mahirap talagang agad-agad magbaba ng desisyon si Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis Reyes.
Nakasaad din aniya sa batas na kailangang aksiyunan ng second at first level trial courts ang mga kaso sa loob ng 90 days pero may mga pagkakataon namang kailangang mabigyan ng mahabang palugit ang huwes na magbaba ng hatol.
Sa Nobyembre 23 ang ika-sampung anibersaryo ng trahedya na ikinamatay ng 58 katao kabilang na ang 32 mamamahayag.
58 counts ng murder ang kasong kinakaharap ng mahigit 100 akusado sa krimen kabilang na ang pangunahing akusado na si Andal Ampatuan, Jr.