Nagbabala si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa mga abugado na nagsasamantala sa Overseas Filipino Workers (OFWs).
Partikular ang mga abogadong nagsasamantala sa kanilang sitwasyon tulad ng mga tinatawag na “ambulance chasing lawyer” o mga naghahabol sa mga kompanyang lalo na ang OFWs na naaksidente sa oras ng trabaho lalo na ang seafarers.
Ayon sa punong mahistrado, magpapatupad sila ng mas mahigit na disiplina sa pamamagitan ng pagsuspinde o disbarment sa mga abogadong lalabag sa code of professional responsibility.
Una nang dumulog kay Chief Justice Gesmundo ang Department of Migrant Workers (DMW) para iparating ang reklamo laban sa mga mapagsamantalang abogado.
Facebook Comments