Chief Justice Lucas Bersamin, humarap sa media ilang linggo bago ang kanyang pagreretiro

Ilang linggo bago ang kanyang pagreretiro, humarap sa media si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

Sa kanyang “State of Incumbency Address” sa isang hotel sa Maynila na may temang “Looking Back with CJ Luke, Isang Pasasalamat” ay inisa-isa ni Chief Justice Bersamin ang kanyang mga naging accomplishments mula nang manumpa siya bilang punong mahistrado noong November 28, 2018.

Kabilang dito ang Revision ng Rules of Court; ang Video Conferencing Technology na nasimulan na sa isang pagdinig ng kaso kamakailan; pinataas na halaga para sa small claims; at revisions sa Law Student Practice Rule.


Hinimok din ni Bersamin ang Local Government Units na magdonate ng lupa o gusali para maging court rooms kung saan ang constituents din aniya ng LGUs ang makikinabang dito.

Nais din ni Bersamin na magkaroon ng special facilities para sa mga batang testigo.

Anila, may shortage rin ngayon sa mga abogado dahil maraming abogado ang hindi nagpa-practice ng kanilang profession kaya hinimok niya ang mga kabataan na kumuha ng abogasya para madagdagan ang mga tapat na abogado sa bansa.

Si Bersamin ay nakatakdang magretiro sa October 18, 2019, sa edad na 70.

Facebook Comments