Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, pormal ng inimbitahan para sa pagdinig ng impeachment complaint laban sa kanya

Manila, Philippines – Pormal ng inimbitahan ng house justice committee si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno para sa pagdinig ng impeachment complaint laban sa kanya sa November 22.

Si acting Justice Committee Sec. Rene Dolorino ang pumirma para kay Committee Chairman Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung tinanggap o hindi ni Sereno ang imbitasyon.


Nahaharap sa impeachment complaint sa sereno matapos ideklara ng komite na sufficient in form substance and grounds ang reklamong inihain ni Atty. Larry Gadon.

Facebook Comments