Isang car wash sa Texas, napasama sa listahan ng Guinness world record dahil sa haba ng shop nito

Panghimagas – Napasama ngayon sa listahan ng Guinness World Record ang isang kilalang car wash dahil sa haba ng shop nito.
Mismong ang mga Guinness official ang siyang bumisita at nagpalinis sa buc-ee’s katy car wash na may haba na 85-yard kung saan mayroon din itong 255-foot long na conveyor belt.
Ang kabubukas lang na car wash ay gumagamit din ng 120 gas pumps para maging maayos ang paglilinis sa mga sasakyan ng kanilang customer.
Dahil sa natanggap na parangal, plano ngayon nang pamunuan ng car wash na magbigay ng libreng serbisyo sa kanilang mga customer at magsismula sila alas-7:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.

Facebook Comments