CHIEF JUSTICE POST | JBC, kinumpirmang wala pang mga aplikante sa pagka-punong mahistrado

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Atty Milagros Cayosa, miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) na wala pa ring naghahain ng aplikasyon para sa chief justice post.

Sa kabila ito ng pagbubukas ng JBC ng aplikasyon at nominasyon sa pagka-punong mahistrado na ipapalit kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Samantala, otomatiko namang pasok sa mga nominado sa pagka-punong mahistrado ang limang most senior associate justices ng Korte Suprema.


Dahil magreretiro sa August 8 si Associate Justice Presbitero Velasco Jr. , kabilang sa otomatikong nominado para sa Chief Justice post sina Associate Justices Antonio Carpio, Teresita De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, at Mariano Del Castillo.

Sa July 26 ang deadline ng pagsusumite ng written acceptance ng nominasyon para sa chief justice post.

Sa July 26 din ang deadline ng pag-file at pagkumpleto ng requirements ng mga aplikante.

Facebook Comments