Chief Justice Sereno, binasura ang panawagang magbitiw na siya sa pwesto

49

Manila, Philippines – Walang plano si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw sa kanyang tungkulin.

Ito ang inihayag ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Carlo Cruz kasunod ng panawagan ni Atty. Larry Gadon na magresign na ang punong mahistrado upang hindi na ma-eskandalo sa impeachment proceeding.

Iginiit ni Cruz na walang basehan ang reklamo laban kay Sereno at pamumulitika lamang daw ito.

Ayon kay Cruz, maayos pa ring nagagampanan ni Sereno ang kanyang tungkulin na may integridad.

Una nang ideneklara ng Kamara na sufficient in form and substance ang impeachment complaint ni Gadon laban sa Chief Justice.

Facebook Comments