CHIEF JUSTICE | Susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema, 5 na ang pinagpipilian

Manila, Philippines – Lima ang nakapasok sa deadline ng Judicial Bar Council o JBC para pagpilian na magiging susunod na chief justice.

Kabilang sa humabol sa paghahain ng aplikasyon si Judge Virginia Tehano ng Tagum City, Davao del Norte RTC Branch 1

Habang tinanggap na rin ni Associate Justice Teresita De Castro ang automatic nomination sa kanya sa pagka-punong mahistrado.


Una nang tinanggap nina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Andres Reyes Jr. ang nominasyon sa kanila.

Tinanggihan naman nina acting Chief Justice Antonio Carpio at Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang nominasyon sa kanila.

Sa Agosot a-3 magpupulong ang JBC para pag-usapan ang kwalipikasyon ng mga nag-apply saka isasagawa ang public interview sa mga mapipiling nominado na papasok sa kanilang short list.

Facebook Comments