Iminungkahi ni dating Senator at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na ibalik na lamang ang 1935 Constitution.
Ito ang naging pahayag ni Enrile nang matanong ni Constitutional Amendments and Revision of Codes Committee Chairman Senator Robinhood Padilla kung ano ang masasabi ng dating senador sa deklarasyon ng Martial Law noong September 21, 1972.
Ayon kay Enrile, sa panahon na iyon ay nabuhay siya sa ilalim ng 1935 Constitution at 1973 Constitution.
Puna niya, ang kasalukuyang 1987 Constitution ay ginawang komplikado ang mga probisyon sa ilalim ng 1935 at 1973 Constitution.
Para kay Enrile, pinakamagandang Saligang Batas ang 1935 dahil maikli, simple at madaling mauunawaan.
At kung nagmamadali na baguhin ang Saligang Batas ay makabubuting bumalik sa 1973 Constitution.