Chief of Police ng Bacoor, Cavite, sabit sa pangongotong ng 2 tauhan

Mananagot sa ilalim ng command responsibility ang chief of police ng Bacoor, Cavite, matapos maaresto ang dalawa nitong tauhan dahil sa pangongotong.

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda kung saan kanyang sinabi na lalagdaan niya ngayong araw ang relief order ng opisyal.

Kahapon inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang pulis at isang sibilyang kasabwat matapos mag-viral sa social media ang kanilang pangongotong sa mga transport groups sa Bacoor.


Base sa imbestigasyon ng CIDG, tumatanggap ang mga ito ng P1.5 milyon kada buwan na payola mula sa transport groups o P170,000 kada transport group bilang protection money para hindi sila hulihin.

Ang mga ito ay nasa kostudiya na ng CIDG at ipaghaharap ng paglabag sa illegal possession of firearms at paglabag sa omnibus election code.

Facebook Comments