Chief of Police ng General Trias Cavite at dalawa niyang tauhan, sinibak sa pwesto matapos ang pagkamatay ng isang curfew violator

562

Inalis na sa kanyang pwesto ang Chief of Police ng General Trias Cavite na si Police Lt. Col. Marlo Celero.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana matapos na mapatunayang dalawa sa kanyang mga tauhan ang nagparusa kay Darren Peñaredondo.


Si Peñaredondo ay curfew hours violator na namatay matapos 300 beses na pinag-pumping exercise bilang parusa sa General Trias Cavite noong April 1.

Ayon kay Usana, ang dalawang pulis na nagparusa kay Peñaredondo ay sina PCpl. Jerome Vibar at PCpl. Kenneth Mercene na sinibak na rin sa pwesto nila at ngayon ay nahaharap na sa kasong kriminal at administratibo.

Sila ngayon ay nasa direct supervision and control ng Provincial Director ng Cavite habang nililitis ang kaso.

Facebook Comments