QC-LGU, inilabas ang listahan ng mga makatatanggap ng bagong ayuda

355

Malalaman na ng mga residente ng Quezon City kung kasama ang pangalan nila sa mga mabibigyan ng bagong ayuda mula sa national government.

Inanunsyo ng QC-Local Government Unit (LGU) na inilabas nito ang listahan ng mga benepisyaryo ng bawat barangay sa anim na distrito ng lungsod para sa distribusyon ng ayuda.


Bisitahin lang ang website na https://quezoncity.gov.ph/quezon-city-barangay-officials/.

Aabot sa P2.4 bilyon ang natanggap ng LGU mula sa national government.

Nasa 2.4 million na indibidwal o katumbas ng 800,000 families ang tatanggap ng P1,000 per individual at maximum amount na P4,000 per family.

Ngayong unang araw ng distribusyon, nagtalaga ang LGU ng 30 sites para sa 40 barangays na tatanggap ng ayuda.



Facebook Comments