Chief of Police ng Surigao City nagbabala sa publiko laban sa Budol-Budol Gang

Chief of Police ng Surigao City nagbabala sa publiko laban sa Budol-Budol Gang. Ayon kay Supt. Jay Baybayan sana’y mag-ingat ang publiko laban sa Budol-Budol Gang lalo na’t pinakabagong nakabiktima ito ng isang senior citizen. Kinilala ang biktima na si Rogelia Hibaya,70 taong gulang, naninirahan sa Brgy. Canlanipa dito sa lunsod. Sa sumbong nito, nasa loob siya ng isang pawnshop para mag-renew ng kanyang alahas. Biglang may dalawang babae ang lumapit sa kanya at nagpatulong dahil diumano’y naloko sa motor. Sumama siya sa mga ito at doon na kinuha ang kanyang mga alahas, cellphone at P2,500 na cash. Kapalit sa kanyang ibinigay, ang isang bag na may lamang pera. Nang iilang oras na siyang naghintay sa pagbabalik ng dalawang babae kaya binuksan niya ang bag, doon na nakumpirmang hindi pera kundi mga tinupi-tuping papel ang nasa loob. Dagdag pa ni Supt. Baybayan, malapit na ang Pasko kaya baka mas dadami pa ang mga manloloko gaya ng Budol-Budol Gang.

Facebook Comments