Aarangkada na ang “Chikiting Bakunation Days” sa Lungsod ng Maynila sa Lunes, May 30.
Ayon sa Manila Health Department, ang libreng routine check-up immunization o catch-up immunization ay para sa mga sanggol na hanggang 23-buwang gulang.
Kabilang sa mga bakunang ibibigay ay laban sa polio, tigdas, rubella at iba pa.
Hinihimok ang mga magulang na makibahagi sa immunization program upang mabigyan ng proteksyon ang mga bata laban sa malalang sakit.
Maaari lamang na magtungo sa mga vaccination site o sa mga health center sa anim na distrito ng Maynila at sa anim na district hospital ng lungsod.
Facebook Comments