PCOO, nagpadala na imbitasyon kay incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles

70

Nagpadala na ng imbitasyon ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) kay incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles para sa maayos na pagsasalin ng trabaho ng ahensiya.

Sa harap na rin ito ng pagpasok ng bagong administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 1, 2022.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Kris Ablan, inaasahang magpupulong ang transition team ng PCOO at ng mga bagong opisyal na uupo sa ahensiya sa mga susunod na araw para sa gagawing maayos na transition sa PCOO.


Inatasan na aniya siya ni Secretary Andanar na ibigay ang mga kailangang dokumento para isalin sa papasok na opisyal ng PCOO, kung saan siya ang maging in-charge sa transition.

Facebook Comments