Muling ipinadama ng Provincial Government ng Maguindanao ang pagmamahal sa mga kabataang may special needs sa 3 araw na aktibidad sa Buluan Gym.
Layun ng aktibidad ay upang iparamdam sa mga kabataan with special needs at mga magulang ng mga ito na suportado pa rin sila ng pamahalaan ayon pa kay Lynette Estandarte, head ng Peoples Medical Team at syang organizer ng activity.
Sa tatlong araw na activity ay nagsagawa ng workshop ang mga kabataan kabilang na rito ang pagdrawing, pag identify ng color, basic reading and counting, naglaro , kumain at nakatanggap pa ng maagang regalo mula sa tanggapan ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.
Hindi naman maisalawaran ng amang si Edgar Torenchente, sa serbisyong ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno. Si Egdar ay residente ng Upi at may 17 year old na anak na naging participant sa activity. Umabot sa 45 ang naging participant.
Naging bisita sa closing program noong December 16 si Board Member King Jhazzer Mangudadatu na pinasalamatan ang mga magulang na nakiisa sa kanilang adbokasiya.
Ang aktibidad ay kabilang pa rin sa Huling Hirit sa taong 2017 Handog Pagmamahal na may temang “ We are all wonderfully Made”.
Children with Special Needs pinasaya ng Peoples Medical Team
Facebook Comments