Children’s Park sa Burnham, Pagagandahin!

36

Baguio City, Philippines – Naglaan ng apat na milyong piso ang local na gobyerno ng Baguio City para sa posibleng rehabilitasyon at pamalit sa mga pasilidad sa Children’s Park na matatagpuan sa Burnham Park Complex para sa kaligtasan ng mga pumupunta rito. 

Kukunin umano ang budget sa iminumungkahing alokasyon para sa mga City Environment And Parks Management Office o CEPMO. 


Inaasahang kasama ang mga bagong slide, bagong duyan at iba pang mga pasilidad ang mapapalitan sa ilalim ng budget na inilaan para sa parke. 

Ang CEPMO rin ang inaasahang magsusupervise, magmomonitor at mamamahala sa operasyon sa iba pang mga parke sa iba pang bahagi ng Baguio City.

iDOL, tara dalhin natin sila sa Children’s Park!

Facebook Comments

From Advertisers