China bigong makapasok sa 2020 Olympics

302
Image via FIBA Basketball

Hindi na din makakakuha pa ng ticket ang bansang Tsina para sa Olympics dulot ng sunod-sunod na pagkatalo sa FIBA World Cup 2019.

Ilang oras bago ang bakbakan ng Gilas Pilipinas at Iran, nilampaso ng Nigeria ang host country sa iskor na 86-74.


Dahil nabigo sila sa number 1 African basketball team, tabla sa record na 2-3 ang China at Iran.

Pero sinigurado na koponan ni Hammed Haddadi na hindi makukuha ng Tsina ang outright spot matapos tambakan ang tropa ni Coach Yeng Guiao, 95-75.

Matatandaang tinalo nila ang Ivory Coast at Korea ngunit naman pinataob sila ng Poland at Venezuela.

Sa ngayon, kwalipikado na sa Olympics ang mga bansang Estados Unidos, Serbia, Spain, Nigeria, Iran, Argentina, at Japan na magsisilbing host country sa gaganaping torneyo sa 2020.

Facebook Comments

From Advertisers