China government, nangakong patuloy na tatanggap ng mga high-value agricultural product mula sa Pilipinas

Magpapatuloy ang palitan ng mga produkto ng Pilipinas at China.

Ito ang isa sa napag-usapan sa bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Chinese President Xi Jin Ping.

Sa ginawang bilateral meeting binigyang-diin ni President Xi na ang Pilipinas ang isa sa pinakamalaking trading partner ng China pero mayroon aniya imbalance sa pagitan ng pag-import at pag-export ng mga produkto.


Kaya naman sa pagpupulong, sinabi ni Pangulong Marcos na natutuwa siyang pinoproseso na ngayon ang pagsasapinal para sa rules and regulations para sa pag-import ng China ng prutas mula sa Pilipinas.

Naniniwala ang pangulo na sa lalong madaling panahon ay makikita na ang iba’t ibang klase na prutas at mga high quality agricultural product sa China na nagmula sa Pilipinas at matatawag nang may balanse sa trade situation sa pagitan ng China at Pilipinas.

Ang isinasapinal na rules and regulations ay ang patungkol sa pag-export ng Pilipinas sa China ng durian.

Sa bilateral meeting, nagkasundo ang dalawang lider na magkakaroon ng phytosanitary requirements para mag-export ang Pilipinas ng sariwang durian sa China.

Facebook Comments