CIDG, suportado ang apela ni Sec. Abalos na maghain ng courtesy resignation ang mga koronel at heneral

Suportado ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang apela ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., at PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na maghain ng courtesy resignation ang lahat ng full pledged colonel at heneral ng PNP.

Ayon kay CIDG Director Police Brig. General Ronald Lee, bilang isang opisyal at gentleman ay tinatanggap niya ang hamon ni Sec. Abalos.

Tatalima rin aniya ang mga opisyal ng CIDG sa panawagan ni Gen. Azurin na suportahan ang hakbang ni Abalos para linisin ang hanay ng PNP mula sa mga sangkot sa iligal na droga.


Sinabi pa ni Lee na ang reputasyon ng isang pulis ang salamin ng kanyang pagkatao kung kaya’t walang dapat ikatakot ang mga 3rd-level officials’ ng CIDG na may magandang track record.

Facebook Comments