China, gumagamit ng scare tactics sa WPS – Lorenzana

Manila, Philippines – Gumagamit umano ng scare tactics ang China sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kasunod ng inilabas na ulat ng asia maritime transparency initiative noong January 9, na dinadagdagan ng China ang mga idine-deploy nitong air, naval at coastguard assets sa West Philippine Sea.

Aniya –sinusubukang takutin ng china ang mga tao sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pagdedeploy ng mga armed vessel.


Pero hindi na raw ito bago dahil taong 2012 pa ay nandoon na ang mga Chinese military asset.

Sa kabila nito, nilinaw ni Lorenzana na hindi tatapatan ng pilipinas ng kaparehong militarisasyon ang ginagawa ng China, sa halip ay ipagpapatuloy lang ang pangingisda roon ng mga Pinoy.

Una nang sinabi ni Lorenzana na walang isusukong teritoryo ang Pilipinas sa China.

Facebook Comments