Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapagtala ang China ng zero domestic cases ng COVID-19.
Ayon sa National Health Commission (NHC), wala silang naitalang kaso sa Wuhan kung saan nagsimula ang virus noong December 2019.
March 10 nang payagan nang makabiyahe sa loob ng Hubei Province ang mga mamamayan nito maliban sa Wuhan City habang unti-unti na ring binuksan ang mga border ng probinsya.
Pero kahit walang naitalang panibagong kaso, nadagdagan naman ng walo ang bilang ng nasawi sa Hubei.
Facebook Comments