₱145 billion, mawawala sa koleksyon ng buwis ng gobyerno dahil COVID-19

Tinatayang aabot sa ₱145-billion ang mawawalang koleksyon sa buwis ng gobyerno.

Epekto ito ng isang buwang extension na ibinigay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa paghahain ng annual income tax return.

Dahil dito, posibleng dagdagan ng pamahalaan ang pangungutang nito para punan ang kakulangan sa koleksyon ng buwis.


Umapela naman ang BIR sa mga nakapagsimula na sa proseso ng pagbabayad ng buwis na ituloy ito sa pamamagitan ng online filing at iba’t-ibang payment platforms.

Facebook Comments