Pandemic situation sa PH, maayos pa kumpara sa ibang bansa sa ASEAN – Duque

Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na nananatiling maayos ang sitwasyon ng pandemya sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asya na nakakaranas ng surge ng COVID-19 dahil sa Delta variant.

Para mapigilan ang surge ng kaso, sinabi ni Duque na kailangang palakasin ang Prevention, Detection, Isolation, Treatment, at Reintegration (PDITR) strategies at kapasidad ng health system.

Importente ring palakasin ang pagpapatupad ng travel restrictions, screening, testing, at quarantine sa aling points of entry.


Kasalukuyang pinag-aaralan ng mga eksperto kung palalawigin ang trave restriction sa Malaysia at Thailand.

Facebook Comments