China, hindi tinanggap ang panawagan ng DFA na sumunod sa 2016 arbitral ruling

Binalewala lamang ng China ang panawagan ng Pilipinas na sumunod sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na nagbabasura sa pag-angkin nito sa buong South China Sea.

Sa statement, sinabi ng Embahada ng China sa Manila na “illegal” at “invalid” ang nasabing desisyon.

Muli ring ipinaalala ng China sa Pamahalaan ang “consensus” na nilagdaan nito kasama sila para sa tamang paghahawak ng arbitration case na layong ayusin ang relasyon ng dalawang bansa.


Nanindigan din ang China na hindi nila tinatanggap at ayaw nilang makilahok sa arbitration.

Hindi rin nila kikilalanin ang nasabing arbitration award na napanalunan ng Pilipinas.

Anila, may karapatan sila sa nasabing karagatan kung saan sagana sa yamang dagat, mineral, natural oil at gas deposits.

Ang territorial sovereignty at maritime rights at interest sa South China Sea ay hindi maaapektuhan ng nasabing award.

Umaasa ang China na mapanatili ng Pilipinas ang maayos na bilateral relations nito sa kanila at itaguyod ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Facebook Comments