China, huhulihin ang mga hindi Tsino na tatawid sa kanilang territorial water simula sa Hunyo

Huhulihin ng China ang mga hindi Tsino na iligal na papasok sa anila’y kanilang territorial water.

Sa ilalim ito ng inaprubahang bagong regulasyon ng China kung saan binigyan ng kapangyarihan ang Coast Guard na hulihin ang mga dayuhang tatawid sa kanilang border at ikulong ng hanggang 60 araw nang walang paglilitis.

Epektibo raw ito sa June 15.


Inilabas ng China ang bagong regulasyon kasabay ng isinagawang civilian mission ng Atin Ito Coalition sa Scarborough Shoal.

Kinondena naman ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasabing polisiya.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, pananakot ito ng China para pigilan ang mga Pilipino na magsagawa ng mga lehitimong aktibidad sa West Philippine Sea (WPS).

Naniniwala si Tarriela na hindi seseryosohin ng China ang naturang domestic law dahil tiyak aniyang babatikusin ito ng international community.

Facebook Comments