Manila, Philippines – Binigyan diin ngayon ng China na may karapatan silang magtayo ng military facility sa kanilang teritoryo.
Kasunod na rin ito ng ulat ng asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) ng Center for Strategic and International Studies ng United States, na malapit nang matapos ang mga pasilidad ng China sa Spratlys Islands.
Giit ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying – wala pa siyang detalye ng naturang ulat ng amti, ngunit sa china aniya ang pinag-aagwang teritoryo.
Batay sa pinakahuling satellite photos ng amti ngayong buwan, nasa huling yugto na ng konstruksyon ang military facilities ng China sa fiery cross reef, subi reef at mischief reef sa Spratlys Islands.
Magugunitang noong nakaraang linggo, pinabulaanan na ni Chinese Premier Li Keqiang na hindi nila isinasailalim sa militarisasyon ang South China Sea.
Facebook Comments