China, iginiit ang pagbibigay ng ‘good will arrangement’ sa Pilipinas noong 2016 sa karapatan sa WPS

Dumipensa ang China patungkol sa kanilang karapatan at soberanya sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa Chinese foreign ministry, bahagi umano ito ng kanilang teritoryo at mayroon silang disputable sovereignty sa Scarborough Shoal.

Ito ang iginiit ng Chinese government sa gitna ng paglalayag ng “Atin Ito” coalition sa WPS para maghatid ng tulong sa mga Pilipinong mangigisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.


Kabilang na nga ang Panatag Shoal o Scarborough Shoal.

Ayon kay Wang, nagbigay na sila ng good will arrangement sa bansa noong 2016 para makapangisda ang mga Pilipino sa naturang karagatan.

Ngunit, kapag inabuso ito ng Pilipinas at lumabag sa kanilang territorial sovereigns jurisdicton ay handa silang magpatupad ng counter measures.

Facebook Comments