China, iginiit na karapatang harangin ang sinumang dayuhang papasok sa kanilang bansa

Iginiit ng China na isang national prerogative ang pagharang ng mga dayuhan na pumasok sa kanilang bansa.

Ito ay matapos hindi makapasok ng Hong Kong si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na dadalo sana sa isang business meeting.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Lu Kang – bahagi ng kanilang soberenya ang pagpayag o pagbawal sa pagpasok ng isang dayuhan.


Gaya aniya ng ibang bansa, ang China Central Government at ang Hong Kong Special Administrative Region Government deal sa entry at exit ng mga foreigner ay naaayon sa batas.

Nanindigan din ang China na kahit may hawak ang isang dayuhan na diplomatic passport ay hindi nangangahulugang makakapasok na ito sa anumang bansa o teritoryo.

Facebook Comments