China, ipina-atras ang mga barko ng US na bumisita sa Hong Kong

Hindi pinagbigyan ng China ang hiling ng dalawang US navy ships na bumisita sa Hong Kong sa gitna na rin ng political crisis doon.

Ayon sa US officials, ang transport dock sa ship na Green Bay ay nag-request na makabisita ngayong buwan habang ang guided-missile cruiser na Lake Erie ay humiling ng visit sa Setyembre.

Pinakakalma ni US President Donald Trump  ang China matapos pakilusin ang mga tropa nito malapit sa border sa Hong Kong.


Hindi ito ang unang beses na tinanggihan ng China ang port visit ng barko ng Amerika sa Hong Kong.

Facebook Comments