Itinanggi ng China na ginagawa nilang hostage ang dalawang Canadian national bilang kapalit ni Meng Wanzhou, Chief Financial Officer ng Huawei na inaresto sa Vancouver noong 2018 dahil sa umano’y kasong panloloko nito sa bangko.
Sa pahayag ng China, nilinaw nilang walang kinalaman sa kaso ni Meng ang ginawang pag-aresto kina Michael Spavor at Michael Kovrig kung saan iginiit nila na dapat nang palayain ang opisyal ng Huawei lalo na’t wala naman itong kasalanan.
Itinanggi rin ng China na gumagamit sila ng pananakot sa diplomasya kontra Canada kung saan mismong si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang nagsisimula nito.
Ayon pa kay China’s Envoy to Ottawa Cong Peiwu, ang mga inarestong dalawang Canadian national ay mga suspek sa iligal na aktibidad na may kaugnayan sa national security ng China.