PSL beach volleyball tournament, pinayagan na ng IATF

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na magsagawa ng beach volleyball tournament ang Philippine Super Liga (PSL).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maari nang ituloy ang PSL beach volleyball challenge cup sa pamamagitan ng bubble type tournament.

Plano ng PSL na simulan ang kanilang liga sa darating na November 27 hanggang 29 na gaganapin sa Subic.


Patuloy namang hinihintay ng board ng PSL ang naging desisyon ng gobyerno para naman magsagawa ng training at tournament sa indoor volleyball league.

Facebook Comments