Mariing pinabulaanan ng Chinese Embassy na nagkaroon ng “hit and run” sa Recto Bank.
Ito ang pahayag ng embahada matapos kumpirmahing isa nilang vessel ang bumangga sa barkong pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank.
Sa pahayag ng embahada, itinanggi nila na inabandona ang mga Pilipinong mangingisda dahil sinubukan pa ng kapitan ng barko na iligtas ang mga ito.
Ang kanilang fishing boat na Yuemaobinyu 42212 ay tinangka umanong ‘kubkubin’ ng pito o walong Filipino fishing boats.
Kaya umalis sa lugar ang Chinese vessel nang makumpirmang nailigtas na ang mga Pilipino ng ibang barko.
Nanindigan din ang Chinese Embassy na seryoso at responsable ang paghawak ng nila sa isyu at nananatili ang komunikasyon ng Pilipinas at China sa pamamagitan ng diplomatikong paraan.