China, magdo-donate ng 500,000 doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas – DFA

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na planong magdonate ng china ng 500,000 doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na isa sa napag-usapan sa pagbisita ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi ang intensiyon ng China na magbigay ng bakuna.

Bahagi aniya ito ng pangako ni Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong bilang magkaibigang bansa.


Samantala, sa naging pulong din ay nilagdaan ang isang bilateral deal para sa economic and technical cooperation sa pangunguna nina Finance Undersecretary Mark Joven at China International Development Cooperation Agency Vice Chair Deng Boqing.

Layon nitong maglaan ng higit ₱3 bilyong piso para pondohan ang mga livelihood projects, infrastructure facilities at feasibility studies para sa mga ilulunsad na proyekto.

Facebook Comments